Watch!! DOJ Christmas Music Video

Statement of Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II to the employees of the Bureau of Immigration (BI) on the formation of a technical working group to draft the required guidelines for the release of the Express Lane Funds


Posted: 02 March 2018


"Kasama nyo ako at ang aking tanggapan sa pagsisikap na mas mapagbuti pa ang kalagayan ng lahat ng kawani ng Bureau of Immigration. Noon pa man at hanggang ngayon, bahagi ako ng pagsusulong ninyo na makuha ang inyong nararapat na kabahagi sa BI Express Lane Funds.Kaunti pa pong pag-unawa at paghihintay ang ating hiling sa lahat."

"WE HAVE COME THIS FAR, LET US ALL SEE THIS THROUGH!"

                                                       -Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II

Ang aking pagbati sa ating dedicated men and women of the Bureau of Immigration.

Nais ko pong ipabatid sa inyong lahat na kahapon, March 1, 2018, akin pong nilagdaan ang isang liham paanyaya kina DBM Secretary, Benjamin E. Diokno, at kay Commission on Audit Chairperson, Michael G. Aguinaldo, para sa pagbuo ng isang Technical Working Group o TWG ngayong Marso 13, 2018, para magbalangkas ng guidelines sa release ng BI Express Lane Funds.

Ito po ay alinsunod na rin sa Veto Message ng ating Mahal na Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa 2018 General Appropriations Act o GAA na nagsasabing:

I will allow the establishment of a trust fund to be constituted from the express lane fees and charges collected by the BI for the payment of salaries and overtime to employees of the BI under the Department of Justice (DOJ)-BI, Special Provision No. 1, “Immigration Fees and Collections,” Volume I-A, page 1062, subject to such guidelines as the Secretary of Justice, the Secretary of Budget and Management, and the Commission on Audit may promulgate.” (underscoring and highlighting supplied).

Gusto ko pong ipabatid sa lahat na ang inyong abang lingkod, noon pa man, ay kasama ninyo sa labang ito para sa inyong nararapat na bahagi sa BI ELF.

Kasama ninyo ako sa simula, at kasama ninyo ako hanggang sa makamit natin ang mithi ng lahat. Ang guidelines na isusulat ng TWG ang magsisilbing susi para po dito. Samahan nyo kami na ito ay  magawa ng maayos para sa inyong mas mabuting kapakanan.

Maraming Salamat po at pagpalain tayong lahat ng Maykapal!



Back to list of news articles